Aide ng isang mayor sa Bataan patay, asawa sugatan


PATAY ang isang coordinator ni Limay Mayor Ver Roque matapos pagbabarilin ng mga riding-in-tandem sa harap ng kanyang bahay sa Barangay St. Francis II sa Limay, Bataan noong Linggo ng hapon, ayon sa pulisya.

Nagtamo ang biktima na si Medio Bisana, 52, ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Siya ay namatay habang ginagamot sa Limay Emergency Hospital.

Natamaan naman ng mga ligaw na bala ang 46-anyos na misis ni Bisana na si Rowena at ginagamot sa kaparehong ospital.

Batay sa testimonya ng saksing si Adelaida Lintag, sinabi niya na nag-uusap ang mag-asawa sa harap ng kanilang bahay nang sila ay atakihin.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa politika ang pagkamatay ni Bisana.

Tumatakbong muli ri Roque kung saan katunggali niya si Bataan board member Gerry Roxas.

Read more...