Alex sinisi sa biglang pagkatsugi ng Game Ng Bayan; dinamay pa raw si Robin sa kamalasan

ALEX GONZAGA

ALEX GONZAGA

HALA, naloka naman kami sa mga komento ng netizens sa programang Game Ng Bayan nina Robin Padilla at Alex Gonzaga.

Last episode na nga nila kahapon (April 15) at dahil kasali si Alex show, sa kanya talaga ipinukol ang naging kapalaran ng show. Na kesyo hindi raw talaga rater ang kapatid ni Toni at wala daw utong show na pinagbidahan na tumagal sa ere. Meaning jinx daw ang dalaga at pati raw si Binoe ay dinamay pa nito.

Ipinagtanggol naman ng ilang fans si Alex at sinabing huwag daw itong sisihin, unfair daw ito sa dalaga.

May mga nag-remind na klik naman ang The Voice Kids na kasali rin siya, pero matapang at maanghang ang sagot ng netizens na sahog lang daw ito doon at waley naman masyadong ginagawa.

Malinaw naman na short-lived lang ang naturang game show nina Binoe at dahil umabot na nga siguro ito sa puntong kailangang patayin, wala na silang choice.

Ang mababakanteng timeslot ng Game Ng Bayan ay papalitan ng pambatang fantaserye na Super D nina Dominic Ochoa at Marco Masa na magsisimula na sa Lunes.

Read more...