P94.2 milyon jackpot sa 6/49 Super Lotto nasungkit ng taga- Cabuyao, Laguna

WAGI ng P94.2 milyon ang isang mananaya mula sa Cabuyao, Laguna sa ginawang draw ng Super Lotto 6/49 Huwebes ng gabi.

Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isa lang ang tumaya sa winning number combination na 31-13-45-20-41-46.

Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO. Kung hindi mapupunta ito sa Charity Fund na ipinantutulong ng PCSO sa mga walang pambayad sa ospital.

Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 12 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P1,780 naman ang 617 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 15,011 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...