Susuwertehin sa tinderang mataba

Sulat mula kay Isabel ng Bangkal, Sapian, Capiz
Dear Sir Greenfield,

Dating public school teacher ako, at sa ngayon ay nag-retiro na ako at kasalukuyang nagbabantay ng negosyong bakery na siyang naging katas ng pera napag-retiruhan ko. Ang problema sa ngayon ay unti-unti ng nauubos ang savings ko at laman ng tindahan. What I mean medyo nalulugi na ako. Natatakot tuloy ako na kung sakaling maubos na ng tuluyan ang savings ko ay magmukhang kaawa-aawa ako dahil wala na akong kasama sa bahay may asawa na po ang lahat ng mga anak ko at ako naman po ay isang biyuda. Ano ba ang magandang business at paano ko ba mapapalagong muli ang aming bakery? May suwerte pa kayang darating sa aking buhay sa edad kong ito na 67 years old na sa kasalukuyan. December 6, 1948 ang birthday ko.
Umaasa,
Isabel ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin ituloy mo lang ang kasalukuyan mong negosyong bakery at bukod sa produktong tinapay, dagdagan mo ang iyong kalakal, tulad ng bigas, grocery at iba pang basic needs ng mga tao, sapagkat ayon sa iyong palad, tunay ngang susuwertehin ka sa nabanggit na negosyo.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Queen of Diamonds at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ituloy at pagbutihin mo lang ang iyong negosyo, dahil darating din ang panahong sigurdong uunlad at magtatagumpay ang kasalukuyan mong negosyo at ito ay magsisimulang maganap sa taong 2018 sa edad mong 70 pataas.
Itutuloy…

Read more...