Tiwala at respeto | Bandera

Tiwala at respeto

Pher Mendoza - April 15, 2016 - 03:00 AM

HELLO po, Manang and tropa.

Good morning po, tawagin na lang po ninyo ako sa pangalang Lee, taga Quezon. Ako po ay isang college student at 19 years old.

Mayroon po akong BF ngayon kaya lamang ay LDR (long distance relationship) po kami. Hindi ko po maiwasan ang maghinala lalo na po’t matagal siyang nanligaw dahil hindi niya po makuha ang tiwala ko.

Mag-iisang taon na po kami this coming April 24. Pero, sa loob po niyan, puro away, selosan at sumbatan po ang nangyayari, na sa huli naman po ay nagkakabati.

Itatanong ko lang po, marapat po ba na ipagpatuloy ang relasyon namin na kung saan, ako ay walang tiwala at siya naman ay seloso.

Thank you po.
Lee, Quezon

Hello Lee ng Quezon! Isang mainit na araw sa iyo at mga readers ng Bandera.

Naku, napakahirap ng isang relasyon na walang tiwala ang isa’t isa.

Remember, foundation ng isang maayos na relasyon ang respeto at pagtitiwala. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi ka mapalagay at hindi niya makuha ang tiwala mo? May basehan ba ito?

Most of the time, meron yan at iyon ang kailangan mong i-determine. Pinag-uusapan ba ninyo nang maayos ang mga issues ninyo? Tumagal kayo ng isang taon pero masasabi mo bang totoong relasyon ang nangyari kung hindi ito base sa pagtitiwala?

In the end, it will be up to you Lee. To share a quote from Paulo Coelho: “None of us knows what might happen even the next minute, yet still we go forward. Because we trust. Because we have Faith.”

Payo ng tropa

I agree with Manang, hindi tatayo ang isang relasyon na walang tiwala at respeto. Kung nagtagal kayo ng isang taon sa relasyong walang ginawa kundi mag-away, magselosan at magsumbatan, makabubuting tapusin na ninyo ito. Patagalin ninyo ang ganyang relasyon ay lalalim lang ang sugat na ililikha nito hanggang sa dumating ang oras na you will completely hate each other.

Mabuting maghiwalay nang maaga at masaktan ngayon kaysa manatili sa isang relasyon na maya’t maya ka namang masasaktan?

Renee ng Mandaluyong
Lee,

Hanep ah, tumagal pa ang relasyon ninyo na ganyan ang sitwasyon niyo, away, selosan, at sumbatan? Mahirap talaga ang LDR, mahirap ang hindi kayo magkasama. Pero sa relasyon na ganon na nga ay puro away pa, nakakaloka! Bakit kaya hindi ka nagtitiwala sa kanya? Meron bang dapat hindi ipagkatiwala? Kung meron sana dapat sinasabi mo sa kanya ‘yun.

Kung mahal mo naman ang BF mo kahit nasa malayo pa ‘yan, pagtiwalaan mo siya.

Try mo magtiwala at ipakita mo ang love mo sa kanya dahil mahirap din ang nasa malayo at baka ikaw lang ang gumagawa ng problema. Oki!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending