PURSIGIDO ang ilan nating celebrities na tulungan ang mga kababaihang magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato na ikinulong ng mga otoridad kamakailan.
Kabilang sa mga artistang lumilikom ng pera para mapalaya agad ang mga inaresto at ikinulong na mga magsasaka sa Cotabato Provincial Jail sina Aiza Seguerra at Alyanna Martinez, anak nina Albert at Liezl Martinez.
Sa Instagram account ni Alyanna, isang mensahe ng pakikisimpatya sa mga biktima ng karahasan sa Kidapawan ang ipinost nito, lalo na sa 78-year-old na magsasaka na si Valentina Berlin.
Sa larawang ipinost nito, naka-split screen si Lola Valentina at ang tinaguriang Pork Barrel queen na si Janet Lim-Napoles, na kamakailan lang ay pinayagan ng korteng makapagpiyansa sa kasong plunder na kinakaharap nito.
“This is a joke right? How much is the bail for lola? I am willing to shoulder it even if I don’t even know what will become of that bail money after its paid but this is insulting to our honest hardworking elders.
“It saddens me because I cannot believe no one else in this whole country stepped forward to help out any way they can? People need CONCRETE ACTION NOT JUST SYMPATHY!”
“Lola Valentina Berlin of the Kidapawan City Farmers massacre and injustice, I am working on posting your bail and getting you out of that hell hole ASAP!” mahabang pahayag ni Alyanna.
Sa Facebook naman idinaan ni Aiza ang kanyang saloobin tungkol kay Lola Valentina, anito nakalikom na siya at ng ilan pang kaibigan ng sapat na halaga para mapalaya ang mga ikinulong na na magsasaka.
“GOOD NEWS FOR EVERYONE!!! We were able to raise funds to cover the whole amount of 546,000 for the farmers!!!! Thank god!!!
“Most came from artists and friends who readily gave their support but there were other groups who donated as well to fulfill the amount. MARAMING MARAMING SALAMAT SA TULONG NINYO! Next step is to process their release,” sabi ni Aiza sa kanyang FB post.
Sa Instagram post naman ng asawa ni Aiza na si Liza Diño, inilarawan nito si Lola Valentina na isang mabait at masayahing tao kaya hindi niya matanggap na pati ito ay ikinulong ng mga pulis sa Kidapawan.
“Nakausap namin si Lola Valentina kanina. Nakakatuwa siya. Palatawa, masayahin. Considering na ganito yung pinagdadaanan niya, napaka-positive pa rin niya.
“Habang kausap namin siya (Ilonggo sila so hindi ko maintindihan masyado), hindi ko maisip kung paano naakusahan si Lola Valentina ng direct assault. Hindi ko matanggap,” sabi ni Liza.