SARAH parang bulkang sumabog dahil sa galit kay GERALD

sarah geronimo“SI Sarah Geronimo,” ang diretsong tugon ng mahal naming Albay Gov. Joey Salceda nang aming tanungin kung sino, among our young female showbiz personalities ang sa palagay niya ay nagtataglay ng mga katangian ni Daragang Magayon, ang sikat na sikat na bida sa alamat ng Mayon?

“Well, ayon sa mga nababasa at nababalitaan ko and based from what I personally perceived, sa panahon ngayon ay bagay na bagay si Sarah Geronimo bilang Daragang Magayon.

For simply being so obedient and a loving daughter na kayang isakripisyo ang sariling kaligayahan masunod lang ang kagustuhan ng magulang,” paliwanag ni Gov. Salceda.

Agree naman kami dahil bilang kinalakihan namin ang pamosong alamat ni Daragang Magayon sa Bikol, ang pagsunod sa mahal nitong “ama” ang dahilan kung bakit isinakripisyo ni Magayon ang kanyang pag-ibig para kay Panginoron, na nauwi nga sa trahedya.

Sa alamat na ito nga naging kilala ang Bulkang Mayon hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi ng mundo dahil sa taglay nitong ganda subalit matindi rin kapag nagalit. O, di ba, nang madala ng kanyang emosyon si Sarah sa show nito last Sunday ay mistula talaga itong bulkan na sumabog at walang tigil na nagparinig kay Gerald Anderson?

Pero nu’ng magpapaalam na sa ere ang programa ay inamin naman niyang nagkamali siya at nadala lang ng kanyang emosyon.

Anyway, ito nga ang magiging sentro ng pagtatanghal na gagawin ng E-Dance Theater tungkol sa alamat ni Daragang Magayon na sasaliwan ng sayaw at tugtog mula sa musika ng pamosong si Dr. Ramon Santos (isa siya sa mga nominated noon para maging National Artist for Music pero tsinugi siya sa listahan ni dating Pangulong Gloria Arroyo).

Ito’y mula naman sa mga letra ni National Artist for Poetry na si Virgilio Almario (mas kilala natin sa literatura bilang si Rio Alma), at batay sa research ng Albayanong si Abdon Balde, Jr. ang itinalagang Albay Poet Laureate.

Yes, kapatid na Ervin, isang espesyal na ballet presentation ng Daragang Magayon ang itatanghal ngayong Peb. 8 sa Main Theater ng CCP (3 p.m. para sa matinee at 7 p.m. para sa Gala night.

Inaasahan nating tatangkilikin ito ng mga kapwa-Bikolanong may sapat na pagmamahal at pagtingin sa kalinangan ng kulturang Bikol.

Ang Albay government sa pamumuno ni Gov. Joey Salceda ang nagprodyus nito.

Read more...