Duterte kumasa sa hamon ni Binay: Medical records handang ilabas

TINANGGAP ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang hamon ni Vice President Jejomar Binay na isapubliko niya ang kanyang medical record para patunayan na siya ay malusog para pamunuan ang bansa.

Nagbigay naman ng isang kondisyon si Duterte na kapwa sila sasailalim sa pagsusuri ng kani-kanilang doktor.

“Yes, basta maghubad siya sa harap ko at makita ng tao kung sino ang may sakit,” sabi ni Duterte.

Nauna nang sinabi ni Binay na hindi matatapos ng 71-anyos na alkade ang kanyang anim-na-taong termino sakaling manalo sa pagkapangulo.

“Have you seen Binay’s hands during the debate last time? I am not sure if he was just nervous or if he was really sick,” sabi ni Duterte habang ipinapakita na nanginginig ang mga kamay bilang paglalarawan kay Binay.

“Maybe that is a thief’s disease,” dagdag ni Duterte.

Nauna nang inamin ni Duterte na meron siyang Buerger’s disease, isang bihirang sakit sa mga artery at  vein dahil sa sobrang paninigarilyo.

“Mahirap kasi magbilang lalo na bilyon bilyon yun,” ayon pa kay Duterte.

Itinanggi rin ni Duterte na siya ay may throat cancer.

Batay sa mga ulat, sumasailalim umano si Duterte sa dialysis dalawang beses kada linggo.

Read more...