Baby nina Dingdong at Marian sumabak na raw sa shooting

marian rivera

Kumalat kahapon sa social media ang picture ng anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Baby Zia na pinaniniwalaang kuha sa shooting ng unang product endorsement nito.

Mismong si Dingdong ang nag-post ng litrato ng kanilang baby sa Instagram. Ayon sa followers ng mag-asawa, ang nasabing picture ay mula sa behind-the-scenes photo ni Baby Zia na kuha ng celebrity photographer na si Mark Nicdao.

Nauna nang napabalita na very soon ay mapapanood na rin ang anak nila ni Dingdong sa isang TV commercial. Hindi lang kami sure kung ito’y para sa brand ng gatas, diaper o baby soap.

Read more...