Cebu City nagdeklara ng state of calamity; P13.4M pananim nasira

NAGDEKLARA ang Cebu City Council ng state of calamity Miyerkules sa harap ng nararanasang tagtuyot sa lungsod kung saan tinatayang P13.4 milyong halaga ng pananim na ang nasira dahil sa nabawasang suplay ng tubig sa mga kabahayan.

Inaprubahan ng city council ang naging rekomendasyon ni Councilor Dave Tumulak, head ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC).

“We’re expecting the damage to still increase also based on PAGASA’s (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical ServiceAdministration’s) pronouncement that the El Niño (phenomenon) will continue until late May,” sabi ni Tumulak.

Sa isang ulat na isinumite ni City Agriculturist Joelito Baclayon sa city council, sinabi niya na apektado na ng patuloy na nararanasang tagtuyot ang tinatayang 87.4 ektarya ng lupa sa 28 bulubunduking barangay ng lungsod.

Sinabi pa ni Baclayon na umabot na sa 317 magsasaka ang apektado ng El Nino.

“This is still a partial report. There’s still a possibility that it (drought) can still worsen. We will also conduct another evaluation later this month,” sabi ni Baclayon.

Apektado rin ang suplay ng tubig sa lahat ng 80 barangay sa Cebu City. Inquirer

 

Read more...