Young love | Bandera

Young love

Pher Mendoza |April 13,2016
facebook
share this

Young love

Pher Mendoza - April 13, 2016 - 03:00 AM

HI manang,

Ako po si Eunice Jean, 16 years old, taga-Aurora hill, Baguio City.

May problema ako sa love life. May mahal po kasi ako noon pero mahal ko pa rin naman po siya hanggang ngayon. Choice po namin na bigyan ng space ang isa’t isa dahil naniniwala po kaming mataas siguro ang possibility ng relationship namin in the future. Ang problema ko po ay may bago na po akong nagugustuhan ngayon at nagi-start na po ‘yung pagbibigay niya ng motibo. Ano po kayang maipapayo ninyo sa akin dahil nalilito na po kasi ako?

Salamat po

Eunice Jean

Magandang araw, Eunice Jean! Simple lang, give yourself the chance to choose who you think will make the best partner. Bata ka pa naman, my dear, so do not limit yourself the possibilities.

I’m sure you will have a blossoming lovelife pa in the coming years. Maaari kang mamili and I believe life and your happiness is too important to just settle. Natural lang malito kasi you will only get to know a person once you get to be in a relationship with them.

I suggest bago mo sila o siya sagutin ay maging magkaibigan muna kayo or kilalanin mo siyang mabuti through courtship. Give yourself time, huwag magmadali, relax–you are too precious to just give them your time and heart without knowing who they are.

Payo ng tropa

Eunice Jean,

Sobrang bata mo pa para sa seryosong relasyon. Oo nga’t masarap sa pakiramdam ang maraming manliligaw, pero sa ngayon, ang payo ko sa iyo, ay mag-focus ka muna sa pag-aaral. Huwag masyadong magmadali.

Sa sinasabi mo naman na may nagugusthan ka na, oks lang naman na i-entertain mo rin siya para higit siyang makilala. Pero, wag masyadong magseryoso.

Good luck sa iyo!

Ate Jenny
Hija, alam ba ng nanay mo iyang pinaggagagawa mo? Hindi ba nakakahiya sa nanay o sa tatay mo ‘yang kay bata-bata mo ay puro lovelife na ang iniintindi mo? Imbes na pag-aaral ang pagtuunan ng pansin ay puro lalaki ang nasa isip mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sige tuloy mo pagkarengkeng mo nang mabuntis ka nang maaga.
Lola Dorie
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending