MARIIN ang pagtanggi ni Coco Martin sa mga akusasyon laban sa kanya ng mga fans ni Enchong Dee na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang huli at si Julia Montes.
“Labas ako diyan! Hindi po totoo ‘yan,” ang nasabi ni Coco tungkol sa issue.
Say ng number one leading man ng ABS-CBN na wala siyang kinalaman sa relasyon nina Enchong at Julia, “Tsaka katrabaho ko lang si Julia at saka bata pa ‘yon, e.
Walang katotohanan ‘yung mga lumalabas.”
Pinaninindigan ni Coco na wala pa rin siyang girlfriend hanggang ngayon, sa katunayan, wala talaga siyang oras para pagtuunan ang kanyang lovelife, “Sabi ko nga nitong Christmas at New Year, dapat para sa akin.
Pero, siyempre, dapat family muna kasi wala na talaga akong time sa kanila.”
Malapit nang magsimula ang bago niyang teleserye sa Primetime Bida ng ABS, ang fantasy-action-adventure na Juan dela Cruz at patayan na raw ang ginagawa nilang taping kaya wala pa rin siyang panahon sa mga babae.“Gusto ko munang samantalahin kung anong meron ako.
Ito muna ang focus.
Sabi ko nga, kung sa family ko nga wala akong time, sa sarili ko rin.
Kapag isiningit ko ‘yon (lovelife), walang matitira sa akin,” pahayag ni Coco sa isang interview.
Pero kapag daw may dumating na babae sa buhay niya, hindi naman daw niya ito iiwasan, “Kung magkakaroon ng pagkakataon, ayaw ko rin ng taga-showbiz.
Kasi, mahirap e, lalung-lalo na seloso ako.
Hindi rin magwo-work kaya hangga’t maaari, gusto ko simple lang.”
Anyway, bago magsimula ang Juan dela Cruz kung saan makakasama naman ni Coco bilang ka-loveteam si Erich Gonzales, pwede n’yo nang mapakinggan ang mga kantang gagamitin sa serye sa pamamagitan ng “Juan dela Cruz Official Soundtrack”.
Kasama rito ang sikat na sikat nang rapper na si Abra, ang kumanta ng “Gayuma” na hit na hit naman sa YouTube.
Unang nakilala si Abra dahil sa galing niya sa Fliptop or rap battle.
Ito ang naging rason kung bakit siya napasama sa “Juan dela Cruz OST” kung saan makakasama rin niya sina Martin Nievera (Maging Sino Ka Man), Jovit Baldivino, Bryan Termulo at marami pang iba.
“Bale yung ginawa kong kanta, inspirational siya at applicable siya sa story ng Juan dela Cruz.
Applicable sa lahat ng Filipino, sa lahat ng kabataan at sa akin din,” kuwento ni Abra na ang tinutukoy ay ang kanta niyang “Alab Ng Puso”.
“Medyo overwhelmed po kasi parang first time na gagawin ko yung ganitong klaseng bagay na susulat ako hindi lang para sa akin.
Hindi lang para sa sarili kong music kundi para sa isang project na malaki, kung saan bida pa ang idol ng lahat na si Mr. Coco Martin,” pahabol pa ni Abra.
Available na sa mga record bar at video store ang “Juan dela Cruz OST” under Star Records.
Unang nakilala si Abra dahil sa galing niya sa Fliptop or rap battle. Ito ang naging rason kung bakit siya napasama sa “Juan dela Cruz OST” kung saan makakasama rin niya sina Martin Nievera (Maging Sino Ka Man), Jovit Baldivino, Bryan Termulo at marami pang iba.
“Bale yung ginawa kong kanta, inspirational siya at applicable siya sa story ng Juan dela Cruz. Applicable sa lahat ng Filipino, sa lahat ng kabataan at sa akin din,” kuwento ni Abra na ang tinutukoy ay ang kanta niyang “Alab Ng Puso”.
“Medyo overwhelmed po kasi parang first time na gagawin ko yung ganitong klaseng bagay na susulat ako hindi lang para sa akin. Hindi lang para sa sarili kong music kundi para sa isang project na malaki, kung saan bida pa ang idol ng lahat na si Mr. Coco Martin,” pahabol pa ni Abra.
Available na sa mga record bar at video store ang “Juan dela Cruz OST” under Star Records.