Ritz Azul Kapamilya na, pasok agad sa Ang Probinsyano

By Ervin Santiago April 13,2016
share this

Ritz Azul Kapamilya na, pasok agad sa Ang Probinsyano

By Ervin Santiago April 13,2016
share this

ritz azul

Kapamilya na ang dating TV5 talent na si Ritz Azul. Pumirma na kahapon ng kontrata ang aktres sa ABS-CBN.  “Siyempre sobrang blessed, actually out of words ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin na sobrang saya ko ngayon,” sey ni Ritz sa panayam ng ABS-CBN.

Kuwento ng dalaga, “Actually nong natapos ko ‘yung contract ko with TV5 and then may tumawag po sa akin and tapos sinasabi na hinahap po daw ako ni sir Deo (Endrinal), ayon agad-agad po na nakipag-meeting, tapos sinabi niya ‘yung gusto niya for me ayon agad-agad na kumilos sina sir Deo para mangyari itong contract signing.”

Kung may gusto siyang makatrabaho sa Dos, iyan ay walang iba kundi si, “Coco Martin kasi ang dami kong naririnig na magagandang comments sa kanya, mga reviews tsaka pinapanood ko siya. Actually parang kahapon lang yata sinabi sa akin na after ng contract signing ko may taping ka na agad ng Probinsyano.”

Paano siya nakumbinsi na lumipat na sa Kapamilya network at tuluyan nang iwan ang TV5? “Siyempre TV network contract tapos ABS-CBN pa ‘yan, paano mo tatanggihan tapos sabi nila ‘Developmental to, ide-develop ka namin’ and siyempe sa akin naman kapag sinabing ABS kung gusto mo mag-grow as an artist ABS lang kaya don pa lang hindi na ako makakatanggi talaga.”

Matagal na rin daw dream ni Ritz ang maging bahagi ng Star Magic, “Kasi dati tinitingnan ko lang ‘yung catalogue tapos ang gaganda ng suot nila, ‘yung mga make-up nila ang gaganda. Merong parang isang kiliti sa isip ko na kung mapasama kaya ako sa magazine na ito tapos ngayon part na ako ng Star Magic.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending