Heart kay Chiz: I’m proud na ako ang nasa tabi mo ngayon!

chiz escudero

Grabe talaga ang suporta at pagmamahal na ibinibigay ng Kapuso actress-TV host na si Heart Evangelista sa kanyang asawang si vice-presidential candidate Sen. Chiz Escudero.

Talagang sinamahan niya si Chiz sa first and only Vice Presidential debates na ginanap sa University of Sto. Thomas last Sunday. Patungo pa lang sa UST ay nag-post na agad si Heart ng photo nila ng kanyang hubby sa Instagram na may caption na, “On our way to the VP debate.

Break a leg my sweetheart. #SayChiz!” Siyempre, puring-puri ng aktres ang kanyang asawa sa nasabing debate na aniya’y naging kalmado lang sa harap ng madlang pipol kahit na nagkakagulo na ang iba sa loob ng venue, “Always a gentleman. That’s my vp #SayChiz,” ang tweet ni Heart.

“Di ko gawain manira at magyabang,” dugtong pa ng aktres quoting her husband. Dagdag pa ni Heart, “At the end of the day you showed good character. Always proud to be standing by your side.” Kasabay nito, ipinost rin ng leading lady ni Dennis Trillo sa bagong GMA series na Juan Happy Love Story sa kanyang Instagram account ang naging closing statement ni Chiz.

“You stayed with the good and you kept your dignity. I am and will always be proud to be standing by you. At the end of the day, you are a good man.”

Read more...