Daniel, Kathryn unang pasabog ng morning show ni Karla

By Reggee Bonoan April 12,2016
share this

Daniel, Kathryn unang pasabog ng morning show ni Karla

By Reggee Bonoan April 12,2016
share this
KARLA ESTRADA, DANILE PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

KARLA ESTRADA, DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

“HINDI pa napi-preview ng management kaya hindi pa alam kung approved na ang show.” Ito ang sabi ng isang taga-ABS-CBN nang tanungin namin ang tungkol sa bagong talk show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na may titulong Magandang Buhay.

If ever daw na maaprub ito ay mapapanood na ang pilot episode nito sa Lunes, Abril 18 kung saan special guests sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ang Magandang Buhay ay hango sa seryeng Dream Dad ni Zanjoe Marudo kasama ang child star si Jana Agoncillo. Ito kasi ang bukambibig ng bata sa nabanggit na serye bilang pampa-good vibes na talagang tumatak sa mga manonood.

Ayon pa sa aming source, nakadalawang taping na ang Magandang Buhay hindi lang nabanggit sa amin kung sinu-sino naman ang special guests sa second episode nito. Tinanong din namin sa aming kausap kung ano ang pagkakaiba nito sa Kris TV ni Kris Aquino.

Obserbasyon ng nakapanood ng taping, “Pangmasa ang Magandang Buhay, at tatlo ang hosts, so may kanya-kanya silang inputs, unlike si Kris, solong host lang, may kasama lang guest co-host. At saka riot ‘yung KathNiel episode, abangan mo!”

Samantala, tinanong namin kung paano ang magiging billing ng tatlong hosts.

“Karla, Jolina at Melai ang billing siguro, kasi si Melai homegrown talent ‘yan ng Dos dahil PBB winner. di ba? Si Jolina, nagbabalik lang naman ulit sa career niya, gayun din si Karla.

Bukod tanging si Melai lang ang hindi nawala,” katwiran sa amin.

Hmmmm, oo nga ‘no? Pero ang tanong, makuha rin kaya nina Karla, Melai at Jolens ang suporta ng mga manonood na sumubaybay ng ilang taon sa Kris TV? Sa ayaw at sa gusto kasi nila, ikukumpara ang kanilang bagong programa sa morning show ni Kris.

Kaya dapat, talagang iba ang ihahain nila sa mga viewers tuwing umaga para tumagal din sa ere ang kanilang show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending