Mga nang-boo kay Marcos pinakawalan, hindi kinasuhan

marcos-heckler
PINAKAWALAN na ang limang katao na nang-boo kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. habang nagsasalita sa debate ng mga tumatakbo sa pagka-bise presidente noong Linggo sa University of Sto. Tomas (UST).
Sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi ni Sampaloc Police Station chief Supt. Mannan Muarip na hindi na rin kakasuhan ang lima, bagamat dumaan sa dokumentasyon at imbestigasyon.
Kabilang sa mga nang-boo kay Marcos, na pawang mga miyembro ng Youth Alliance Against the Return of the Marcoses (Youth ALARM) ay sina Lloyd Magsoy, 26; Joshua Ninalga, 19; Teddy Angeles, 20; Francis Deinla; and Ralph Padolina, 19.
Idinagdag ni Maurip na hindi rin magkakaso ang mga CNN Philippines.
Noong Linggo, nagsisimula pa lamang magbigay ng paunang salita si Marcos nang sumigaw ang lima ng “Never again, never again to martial law!” at nagladlad ng banner.
Sinabayan naman ito ng pagsigaw ng “BBM” ng mga tagasuporta ni Marcos.
Pinalabas sila sa Quadricentennial Pavillion ng UST.

Read more...