SINABI ni Sen. Alan Peter Cayetano na sinabihan siya ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi uubra sa kanya ang mga pagbatikos niya matapos naman ang kanilang naging mainitang debate kahapon sa University of Sto. Tomas (UST).
Sa isang panayam ng INQUIRER.net, ikinuwento ni Cayetano na nilapitan siya ni Marcos pagkatapos ng debate at nakangiting nagsalita.
“It won’t work,” sabi umano ni Marcos kay Cayetano.
Idinagdag ni Cayetano na hindi niya inasahan ang sinabi ni Marcos sa kanya.
Ito’y matapos namang puntiryahin ni Cayetano si Marcos sa nakaraang debate kung saan binanggit nita ang mga isyu laban sa mga Marcoses katulad ng korupsyon, human rights abuses, partikular sa panahon ng martial ng kanyang yumaong amang si dating pangulong Ferdinand Marcos.
Kapwa miyembro sina Marcos at Cayetano ng Nacionalista Party (NP).