Duterte naungusan na si Grace Poe sa huling SWS survey
NAUNGUSAN na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Senador Grace Poe sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.
Sa lumabas na resulta na unang iniulat ng BusinessWorld nitong Lunes, umakyat sa 27 porsiyento ang rating ni Duterte sa ginawang survey noong Marso 30 hanggang Abril 2.
Ginawa ang survey sa may 1,500 adults.
Malayu-layo ang rating na nakuha ni Duterte kay Poe na nakapagtala ng 23 porsiyento na naka-statistically tie naman si Vice President Jejomar Binay na may 20 porsiyento.
Nasa ika-apat namang puwesto ang bet ng administrasyon na si Mar Roxas na nakapagtala naman ng 18 porsiyento habang 3 porsiyento naman ang nakuha ni Senador Miriam Defensor Santiago.
Umakyat ang puntos ni Duterte mula sa dating 23 porsiyento nang gawin ang survey noong unang linggo ng Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
