Pacquiao handa na sa huling laban

HULING lakad at pag-akyat sa boxing ring habang naririnig ang hiyawan ng mga manonood.

Ito na rin marahil ang huling pagkakataon na maririnig ni Manny Pacquiao na siya ay ipakikilala sa loob ng ring at kakaway sa maraming tao, tatanggap ng mga huling tagubilin at sasagot sa pagtunog ng bell.

At kung si Pacquiao ang masusunod hangad niyang makakuha ng matinding panalo na magsesemento sa kanya bilang isang boxing legend na hindi makakalimutan magpakailanman.

At ngayon ay makakaharap ng multi-division boxing champion na si Pacquiao si Timothy Bradley Jr. sa MGM Grand sa laban na dineklara niya na magiging huling laban niya at huling pagkakataon na ang kanyang 37-anyos na katawan ay tatanggap ng mga suntok para sa sandaling karangalan para sa bansa na kanyang hinandugan ng kanyang mga tagumpay.

“I’m so happy hanging up my gloves after this fight,” sabi ni Pacquiao nang unang ianunsyo ang laban kay Bradley. “I’m sure I’ll feel sad after that, but that’s life. It’s time, I think.”

At sa posibleng huling pagkakataon na mag-ensayo sa Wild Card gym, na pinasikat niya bilang isang training hotspot, ay hindi rin nagpatinag si Pacquiao.

“I have no regrets,” sabi ni Pacquiao. “I faced every fighter I could possibly fight and I’m happy with my accomplishments in boxing. It’s the first time someone got eight titles in eight different divisions.”

At maging ang mga nagdududa sa kanyang salita noon ay naniniwala na rin sa kanya ngayon.

Si Top Rank chief Bob Arum, na nagsabi na hindi niya ipo-promote na huling laban na ito ni Pacquiao dahil naniniwala siyang may mga boksingerong binabawi ang kanilang sinasabi, ay dahan-dahang nababatid na mukhang seryoso nga ang  Pinoy ring icon.

“I can feel that he is really serious about retirement,” sabi ni Arum. “There’s no more hunger and he is focused on what he’s going to do for his country and family after leaving boxing.”

Walang naging problema sina Pacquiao (145.5 lbs) at Bradley (146.5 lbs) sa kanilang weigh-in kahapon para sa kanilang welterweight title fight.

Read more...