Sikat na aktor nagbabago ang anyo pag nalalasing; takaw-rambol

BLIND ITEM MALE 0304

MABUTI naman at nagkadisiplina na pala ang isang pamosong aktor sa pag-inom ng may kulay na tubig na nakapagpapalakas ng loob at nagpapadulas ng dila. Inuman ba kanyo?

May alulod sa lalamunan ang aktor na ito, napakalakas niyang uminom, pero ang mga kuwento kapag lasing na lasing na siya ang hanggang ngayo’y hindi pa rin nabubura sa isip ng kanyang mga kaibigan.
Madali siyang makalimot sa kagandahang-asal kapag nakakainom na siya.

Hindi lang dila niya ang dumudulas, gumagapang din ang kanyang mga kamay kapag nasasapul na siya ng agua de pataranta, bumibiyahe ang kanyang mga braso lalo na kapag marami siyang kainumang kababaihan.

Kuwento ng aming source, “Mabait naman siya kapag hindi pa nasasayaran ng alak ang lalamunan niya. Sobrang gentleman pa nga niya, pero kapag nagsimula na siyang lumaklak, goodbye na siya sa good manners and right conduct.

“Ibang klase siya, complete transformation ang nangyayari sa kanya kapag nakakainom na siya, nagmumukha na siyang demonyo dahil sa pagiging war freak niya! “Inaaway niya kahit ang mga friends niya, magsisimula siya ng topic na kapag kinokontra naman ng mga kaibigan niya, e, ikinagagalit niya.

‘Yun na ‘yun! “Magsisimula na siyang maghamon ng away, kapag umiiwas ang mga hinahamon niya, e, mas parang nasususian siya sa pangungulit! Hindi talaga siya puwedeng pabayaang uminom sa labas dahil siguradong rambol ang aabutin niya.

“Hindi na siguro niya matatanggal ang bisyo niya, pero sana minsan, e, marunong siyang mamili ng lugar at oras ng paglaklak!” mahabang kuwento ng aming impormante. Huling sultada ng aming source, “Nagbago na raw ang lolo mo, Bradly Guevarra, ang favorite actor mo na ang pangalan, e, hinango yata sa bar, kaya mahilig siyang magmamam nang magmamam.”

Read more...