Nadine naging back-up singer muna ni Sarah bago sumikat

NADINE LUSTRE AT SARAH GERONIMO

NADINE LUSTRE AT SARAH GERONIMO

AKALAIN mo bossing Ervin, naging back-up singer pala si Nadine Lustre ni Sarah Geronimo sa “Record Breaker” concert nito noong 2009 sa Araneta Coliseum.

Miyembro si Nadine ng binuong Pop Girls ng Viva Artist Agency, na kinabibilangan din nina Shy Carlos, Rosalie Van Ginkel, Lailah at Mariam Baustria (kambal). Wala na ang Pop Girls dahil nagkanya-kanya na sila ng career.

Sa Instagram account ng nanay ni Nadine, ni-repost nito ang isang video clip kung saan makikita ang girlfriend ni James at iba pang member ng Pop Girls bilang mga backup singer ni Sarah. Kinanta nila ang Korean hit na “Nobody”.

Hindi nga namin nakilala si Nadine sa litratong ‘yun dahil ibang-iba pa ang itsura niya noon. At heto na nga, pagkalipas ng pitong taon ay super sikat na si Nadine at ang kanyang boyfriend na si James Reid na nagsimula namang makilala sa mga pelikulang “Diary Ng Panget” at “Talk Back, You’re Dead.”

Pero sa kilig seryeng On The Wings Of Love tuluyang lumipad papataas ang tambalang JaDine. Bukod sa serye at pelikula, kaliwa’t kanan na rin ang kanilang mga TV commercial at mga show abroad.

Tinatapos na rin nila ang kanilang bagong movie na “This Time” under Viva Films.

Read more...