Showbiz couple wais sa pera kaya yumaman nang bongga; Takot maghirap ang mga anak

BLIND ITEM MF 0409WALANG kaduda-dudang yayaman talaga ang mag-asawang artistang itey.

Bukod sa pareho naman silang masipag magtrabaho ay malalim ang kanilang mga bulsa. Alam nila kung saan dadalhin ang kanilang pera.

May mga nagsasabi na sobrang kuripot ng mag-asawang ito, pero may mga nagtatanggol naman sa kanila, marunong lang silang humawak ng pananalaping pinagpapaguran nila.

Meron silang mga anak, pero sa maagang edad ay tinuruan na nilang mag-asawa ang mga ito, pinakamahalaga ang edukasyon. Ang mga kapritso ay kailangang limitado.

Kuwento ng aming source na malapit sa mag-asawa, “Kung meron mang mag-asawa sa showbiz na puwede mong sabihing marunong talagang humawak ng pera, e, silang mag-asawa na ‘yun! Walang dudang sila na ‘yun!

“Sa pisong kinikita nila, e, gumagastos lang siguro sila nang treinta, pambayad ‘yung sa mga bills nila sa bahay, ang seventy percent nu’n, e, isinusubi nila for the future.

“Hindi lang ‘yun para sa kinabukasan ng mga anak nila kundi para sa pangkabuhayan showcase nila, ngayon pa lang, e, pinaghahandaan na nila ‘yun kaya ganyan sila kaingat sa paghawak ng kinikita nila.

“Marami nga namang artistang nagkamal ng salapi nu’ng kasikatan nila, pero dahil sa pagiging waldas sa pera, ayan, nganga sila ngayon!

“Hindi nga naman sa lahat ng panahon, e, meron silang trabaho, mayhawak silang pera, paano kapag nawalan na sila ng mga raket?

“Paano na ang mga anak nila, paano na ang mga darating pang taon sa buhay nila?” kuwento ng aming impormante.

Pagbibigay ng clue ng aming source, “Bradly Guevarra, nagkakatusak din ang mga patalastas ng pamilya nila! Sa commercial din kasi nagsimula at nakilala ang girl, di ba? Kaya lang, natanso siya, pareho na silang girl ng ex niya!”

Read more...