PASOK sa Top 5 most watched primetime shows sa bansa ang seryeng The Story Of Us nina Kim Chiu at Xian Lim na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.
Sa latest survey ng Kantar-Media/TNS nakakuha ang The Story Of Us ng 21.1% nitong nakaraang Miyerkules, isa sa pinakamataas na rating na nakuha ng serye simula nang umere ito ilang linggo na ang nakararaan.
In fairness, mas dumami pa ang nanonood sa serye mula nang magkasama muli sina Tin at Macoy (Kim at Xian) sa Amerika. Medyo nakakalungkot nga lang ang kuwento ngayon dahil parang inilalayo na ni Tin ang kanyang loob kay Macoy kahit na halatang in love na in love pa rin siya sa binata.
Gusto ko ring palakpakan ang dalawa dahil sa napakagaling nilang akting sa serye, malakas ang laban nila sa susunod na awards season bilang best actor at best actress.
Abangan kung anu-ano ang gagawing hakbang ni Macoy para manumbalik ang matamis na pagmamahalan nila ni Tin. Tutukan din ang mga bagong karakter na papasok sa serye na makaka-encounter nina Tin at Macoy. Napapanood ang The Story Of Us pagkatapos ng Dolce Amore sa Primetime Bida.