Luis: Baka pag nag-mall show ako, baka magalit sa akin ang mga tao!

LUIS MANZANO

LUIS MANZANO

TANGGAP ni Luis Manzano ang katotohanan na hindi ang tipo niya ang pang-matinee idol o ang pagiging hearthrob, kaya nga mas kinarir niya ang pagiging host kesa sa akting.

Sa lahat ng Kapamilya stars, para sa amin, si Luis ang pinakamagaling pagdating sa pagho-host, lalo na sa mga game show at talent search. Napapanood siya bilang host ng ASAP, Pilipinas Got Talent at ang bagong game show ng ABS-CBN na Family Feud na magsisimula na ngayong araw.

Sey ng binata, mas gusto niyang ma-recognize bilang magaling na host kesa tingalain bilang heartthrob,

“I will be a firm believer na ang daming gwapo sa industriya, hindi ako yung pang-mall show na kikiligin ang mga tao sa akin.”

“Pag nag-mall show ako, baka magalit pa sa akin ang mga tao, e. Pero I’m a firm believer na mas gugustuhin akong kausap ako ng tao, mas gugustuhin ng tao na makipagkulitan sa akin. I’d rather have that any day of the week than ‘yang kinakikiligan ako na kunwari feeling pogi ako.

“Kasi I know for a fact na ‘yan ang mga Piolo Pascual mga ganyan. Sila na ‘yan. Mas gugustuhin ko na makipag-high five sa tao, mag-usap tayo, magkulitan tayo,” paliwanag ni Luis sa presscon ng Family Feud.

Hirit pa ng binata, “Nu’ng in-offer sa akin ang Family Feud, sobra akong na-excite kasi for example, when I did Minute To Win It, Deal Or No Deal, para sa akin it’s very repetitive, para sa akin there is one particular formula for Minute To Win It, for Deal Or No Deal.

“Pero for Family Feud, the reason why I’m very excited is because every answer is different. There’s always a new punchline waiting, mas madaling mangulit dito, unlike sa Deal Or No Deal, medyo seryoso ako, dapat sa Minute To Win It, mas ibang-iba.

“So for this, I’m very excited na mas makakakulit ako na ang daming bagong answer na mabibigay,” aniya pa.

Read more...