Susuwertehin ba sa negosyong tindahan? (2) | Bandera

Susuwertehin ba sa negosyong tindahan? (2)

Joseph Greenfield - April 08, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Marie ng San Vicente, Likoan,  Metro Cebu Problema: 1. Ako ay isang ginang ng tahanan na nasa bahay lang habang ang mister ko lang ang may trabaho. May tatlo kaming anak na nag-aaral sa elementary at high school kaya hirap na hirap po kami sa ngayon. Laging kapos ang budget at pahaba na po nang pahaba ang listahan ng utang namin sa tindahan. Panay naman po ang taya ko sa lotto pero hindi ako pinapalad na tumama. 2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa sakali kayang magtayo ako ng tindahan sa harap ng aming bahay, susuwertehin kaya ako? Sabi kasi ng sister ko na nasa Dubai ay pahihiramin niya daw ako ng puhunan at unti-unti ko na lang daw bayaran kapag malakas na ang tindahan na itatayo ko. October 14, 1980 ang birthday ko. Umaasa, Marie ng Likoan,  Cebu Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing kung ang mister mo ay isang Aquarius, tiyak ang magaganap sa pagtutulungan ninyong dalawa—aasenso ang itatayo ninyong tindahan. Pero mas maganda kung sa halip na tindahan ay kumuha na lang kayo ng puwesto sa poblasyon o kaya ay sa palengke ng puwestong may kaugnayan sa grocery. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad at yayayaman. Numerology: Ang birth date mong 14 ay nagsasabing darating ang suwerte sa inyo buhay sa taong 2017 at 2018, higit lalo sa buwan ng Abril hanggang Nobiyembre. Samantalahin at sikapin mong makapagpatayo ng negosyong tindahan o grocery sa palengke dahil tulad nang nasabi na, sa nabanggit na negosyo uunlad at makakaahon na kayo sa kahirapan. Luscher Color Test: Upang mahigop ang maraming pera at salapi sa nabanggit ng negosyo, kulayan ng pink at red ang itatayong tinadahan. Sa ganyang paraan ay lalo pa kayong susuwertehin. Huling payo at paalala: Marie, ayon sa iyong kapalaran, sa kasalukuyan kahit baon sa utang at maraming problemang pampinansiyal ay mas makabubuting kumalmante ka lang. Dahil sa buwan ng Abril o kaya’y sa buwan ng Mayo sa taon ding ito, darating na ang malaking halaga ng salapi. Ang salaping nabanggit ang magagamit mo sa pagtatayo ng tindahan, hanggang sa mapalago ninyo nang mapalago ang nasabing negosyo. Paglipas ng humigit kumulang sa 10 hanggang 15 taon, uunlad na ang inyong pamilya hanggang sa tuloy-tuloy na makaahon sa kahirapan. Sa taong 2030 sa edad mong 50 pataas ay tuluyan ka na nang yayaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending