Isinuko ang virginity | Bandera

Isinuko ang virginity

Pher Mendoza |April 08,2016
facebook
share this

Isinuko ang virginity

Pher Mendoza - April 08, 2016 - 03:00 AM

MANANG, ako po si Alisa, 17 years old po. Ask ko lang po kung ano ang gagawin ko kasi may isang lalaki na nagpatibok ng puso ko. Seryoso siya sa akin at napapaligaya niya ako kasi willing siyang gawin ang lahat mapasaya lang ako. Kaya nga po ngayon ay mahal na mahal ko na ang BF ko.

Isang araw ay nag-text siya sa akin at sinabi na may lagnat siya kaya pumunta ako agad sa kanila.

Pagdating ko ay wala naman po pala siyang sakit. May nangyari po sa amin. Hindi ko na rin po napigilan ang tukso. Dahil buo ang tiwala ko sa kanya, siya ang kumuha sa pagka-virgin ko. Hindi nagtagal ay nakipag-break siya sa akin at hindi na siya nagpaparamdam.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Ang sakit po nang ginawa niya sa akin. Nagtiwala ako agad sa kanya tapos iiwan akong luhaan. Need ko po advice ninyo. Salamat po.

Alisa

Alisa, magandang araw at sa inyo mga katropa! Ganito na lang, at least nalaman mo nang maaga na hindi pala siya tapat at totoo. Ika nga, you’ve cut your loses early on. Isipin mo kung pinasakay ka niya nang napakatagal na panahon at lolokohin lang din pala sa huli, hindi ba mas grabe ang sakit nun?

Sabihin na ngang natukso ka at napaglaanan mo siya ng iyong virginity, e ano naman? Nagkamali ka. What is done is done.

To get over this ay mag-move forward ka na. Parte naman ng buhay natin ang pagkakamali dahil ito ang nagtuturo sa atin na maging mas matalino at mas matibay tayo. You deserve a much better guy. Huwag mo na siyang pag-aksayahan ng luha. You will survive this, trust me.

Payo ng tropa

Hi Alisa,

Sa panahon ngayon mapapansin natin na ang mga kabataan noon ay ibang-iba na sa ngayon. Sorry ha, kasi dati pinahahalagaan talaga ang virginity kahit pa man mahal na mahal ang girl ang kanyang BF, kaya pang magpigil. Una, kasi takot sila sa mga magulang, pangalawa takot na mabuntis nang maaga.

Sa panahon ngayon, gaya nga nang sabi mo, nagtiwala ka agad sa BF mo kaya naibigay mo ng buong buo ang sarili mo sa kanya na hindi man lang natakot sa kung anuman ang maaring mangyari.

Siguro, neng, ang the-best na gawin mo ngayon ay kalimutan mo na lang ang BF mo na walang kwenta. At least, maaga mong nalaman kung ano lang ang gusto niya sa iyo (kundi ang iyong pagkababae).

Move on ka na, batam-bata ka pa naman at marami ka pang dapat pagkaabalahan sa buhay mo. Mag-aral kang mabuti kasi pagdating ng panahon na nakatapos ka sa pag-aaral at nakakuha ng magandang trabaho, maraming guys ang magkakandarapa sa iyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Jenny

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending