PROUD na nagpapiktyur ang isa sa original child stars noon ng ABS-CBN na si Antoinette Taus sa isang truck ng ABS-CBN sa taping niya ng Maalaala Mo Kaya. Kasi isa na namang malaking pagbabago sa industriya ng telebisyon ang sinimulan ng Kapamilya network.
Personal na naranasan ni Antoinette ang simula ng pagbabago sa working hours ng mga artista, staff at crew sa set ng programa ni Charo Santos.
Hindi raw makapaniwala si Antoinette na may pag-asa pang mabago ang working condition sa taping at shooting sa industrya. Dati raw inaabot ng dalawang araw ang taping niya ssa MMK. Pero ngayon, nagdagdag na raw ng araw. Kasi nga hanggang 2 a.m. na lang ang cut off sa taping.
Bagaman madadagdagan ang gastos ng produksyon, mas pinahalagahan pa rin ng ABS-CBN ang kanilang mga nagtatrabaho sa kanila.
“This will pay off in the long run for many different reasons. First of all, the loyalty and love from their employees, production crew and artists. When you love your people, your people will love you back.
Not only that, people that work for the network will be happier and healthier, will make more money and will have a better quality of life, which will translate to better work,” sey ng aktres na bibida sa episode ng MMK bukas.
Pagpapatuloy pa niya, “With the extra time, the work has the opportunity to push itself to the limits of its excellence. Artists are given the chance to really create something profound and timeless. And, in return, the audience gets what they deserve — the best. It’s a win-win situation, really.”
Kaya naman sa MMK consistent ang lahat ng artistang kasama sa episode napakahuhusay. With the “new system” asahan na mas lalo pang gaganda ang mga susunod na episodes.