Alden susugod sa Dagupan para sa Bangus Festival

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

TIYAK na magsasaya nang husto ang buong Dagupan City sa isang-buwang selebrasyon ng Bangus Festival lalo pa’t marami-raming GMA stars ang makikibahagi sa event sa pangunguna ni Pambansang Bae Alden Richards.

Kilig ang hatid ni Alden sa kanyang mga tagasuporta dahil magkakaroon siya ng Kapuso Fan’s Day sa Biyernes, April 8, sa Dagupan City Plaza. Makakasama niya rito ang komedyanteng si John Feir na magiging host ng programa.

Sa susunod na Biyernes, April 15, ang young Kapuso stars naman na sina Louise delos Reyes at Juancho Trivino ang bibida sa Kapuso Float Parade ng Festivals of the North.

Magkakaroon naman ng sariling stage ang GMA sa Judge de Venecia Highway sa Dagupan City para sa Kapuso Night sa April 30. Ang mga bida ng hit rom-com series na Because of You na sina Carla Abellana, Rafael Rosell, Joyce Ching at Kristoffer Martin ang magpapasaya sa mga Dagupenos sa gabing iyon. Makiki-party rin angstars ng bagong drama series na The Millionaire’s Wife na sina Andrea Torres at Mike Tan.

Napiling muli ng local government ng Dagupan City ang GMA Network bilang strategic partner nito para sa Bangus Festival 2016.

Nagkaroon ngpartnership signing noong March 31 sa CSI Stadia na dinaluhan nina GMA Senior Assistant Vice President for Regional Business Development Division Oliver Amoroso, GMA TV Dagupan Station Manager Jojo Balingit at ng mga kinatawan ng City Government of Dagupan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez.

Naroroon din ang Kapuso actress na si Rhian Ramos bilang special celebrity guest.

Read more...