Singer-actress umalis ng Pinas para takasan ang ina

BLIND ITEM FEMALE 0305

NANANAHIMIK lang muna ngayon ang isang young actress-singer. Hindi siya nagsawa sa kanyang career, mahal na mahal ng young female personality ang kanyang trabaho, ang pinagdadaanang problema ng bagets actress-singer ay personal.

Palagi kasi silang nagkokontrahan ng kanyang ina, pakiramdam ng bagets ay parang wala na siyang nagagawang maganda, samantalang napakalaki ng naitutulong niya sa kanyang pamilya.Para makaiwas sa gulo ay nagdesisyon ang young singer-actress na magbakasyon na lang sa ibang bansa.

Kasama niya ngayon ang kanyang tiyahin at pinsan, nalulungkot siya dahil hinahanap-hanap ng kanyang katawan ang nakasanayan na niyang pagtatrabaho, pero kailangan niya ng peace of mind. Kuwento ng aming source, “Napuno na siguro siya, araw-araw na lang kasi silang nagtatalo ng mommy niya, masakit kasing magsalita ang mommy niya, kaya hindi na siguro niya ‘yun kinaya.

“Feeling niya kasi, e, hindi naman binibigyan ng importance ng mommy niya ang mga tulong na naibibigay niya sa family nila. Instead na bigyan siya ng suporta, hinahanapan pa siya ng mali ng mommy niya! “So, para hindi na lumala pa ang gap nila, e, nag-decide si ____ (pangalan ng young actress-singer) na umalis na lang muna.

“Nasa States siya ngayon, hinahanap ang pagmamahal sa ibang mga relatives nila,” kuwento ng aming impormante. Isang araw ay babalik na uli sa pagtatrabaho ang young female personality, ang tanong na lang ay kung babalik pa ba siya uli sa kanyang pamilya, magdedesisyon ang young personality sa kanyang pagbabalik.

“Bradly Guevarra, masyado kasing mataray ang lola mong ito! Ang ganda pa naman ng bulaklak na pinagkunan ng name niya!” pagtatapos ng aming source.

Read more...