Kakasuhan ng Office of the Ombudsman si Cebu Rep. Gwendolyn Garcia at 11 pa kaugnay ng maanomalyang pagpapagawa ng Cebu International Convention Center noong 2006.
Kasong paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act ang isasampa kina Garcia at mga miyembro ng Bids and Awards Committee na sina Eduardo Habin, Roy Salubre, Cristina Gianco, Adolfo Quiroga, Necias Vicoy, Jr., Emme Gingoyon, Glenn Baricuatro, Bernard Calderon, Marino Martinquilla at Eulogio Pelayre.
Kasama rin sa kakasuhan si Willy Te, vice-president ng WT Construction Inc.
Si Garcia ay gubernador ng Cebu ng maganap ang umano’y maanomalyang proyekto.
Hindi umano dumaan sa tamang proseso ang P16.8 milyong architectural and engineering design contract, P307 milyong combined structural steel contracts, P59 milyong adjacent/contiguous works, P7.5 milyong metal cladding contract, P1.8 milyong structural cabling system, P3.6 milyong fire protection/sprinkler system, P3.4 milyong glass works, at P26.5 milyong airconditioning contracts.
Ayon sa mga dokumento, pumasok sa kontrata ang provincial government st WTCI noong Hunyo 22, 2006. Kinabukasan ay lumabas na ang papeles para mabayaran ang WTCI.
“Respondent public officers extended undue favors to WTCI when they awarded the contracts through alternative methods of procurement instead of public bidding,” saad ng 31 pahinang resolusyon.
Sa kanyang depensa sinabi ni Garcia na walang nakitang iregularidad ang Commisdion on Audit kaya walang basehan ang reklamo.
“All told, the BAC’s repeated recommendations to resort to limited source bidding and negotiated procurement instead of competitive public bidding, along with Garcia’s repeated approvals of these recommendations without proper verification, indicates gross inexcusable negligence,” saad ng desisyon ng Ombudsman.
Sinabi ng Ombudsman na nalabag ang anti graft law ng pasimulan ang pagtatayo ng convention center na nagkakahalaga ng P257.4 milyon kahit walang plano, walang public bidding at walang nakasulat na kontrata.
Garcia, 11 pa kakasuhan sa anomalya ng Cebu Convention Center
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...