Purisima, Napenas kakasuhan ng Ombudsman sa Mamasapano incident | Bandera

Purisima, Napenas kakasuhan ng Ombudsman sa Mamasapano incident

Leifbilly Begas - April 05, 2016 - 05:39 PM

napenas-0210
May nakitang batayan ang Office of the Ombudsman upang sampahan ng kaso sina dating National Police chief Alan Purisima at dating Special Action Force head Getulio Napeñas kaugnay ng Mamasapano incident kung saan nasawi ang 44 pulis noong Enero 25, 2015.
Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Usurpation of Authority or Official Functions (Article 177, Revised Penal Code) at Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).
Ayon sa dokumento at ebidensyang nakuha ng mga imbestigador ng Ombudsman inihain ng SAF kay Purisima ang Oplan Terminator I at II, laban sa bomb expert Marwan.
Sinuspendi naman ng Ombudsman si Purisima dahil sa maanomalyang courier contract ng PNP. Naging epektibo ito nong Disyembre 9 2014 at matatapos ng Hunyo 10, 2015.
Sa kabila ng suspensyon nakipag-ugnayan sina Purisima at Napeñas sa mga opisyal ng Armed Forces upang planuhin ang Oplan Exodus.
Noong Enero 2015 ay nagpadala ng text message si Napeñas kay Purisima upang pag-usapan ang plano. Pumunta sila sa Malacanang noong Enero 9, 2015, upang ipaalam sa pangulo ang plano.
Pinaaprubahan ni Napeñas kay Purisima ang paglipat sa araw ng operasyon sa Enero 26 mula sa Enero 23.
Ayon sa mga imbestigador ng Ombudsman suspendido si Purisima kaya hindi dapat siya nakialam sa pagpaplano at pagpaoatupad ng Oplan Exodus.
Hindi naman umano maitatanggi na tumatanggap si Napenas ng utos mula kay Purisima na kanya ring inilihim kay PNP-OIC Leonardo Espina.
“During the period of Purisima’s suspension, he had no authority to perform the duties and functions, much less supervise and/or participate in the conceptualization, mission planning, and execution of a high risk police operation,” saad ng 40 pahinang resolusyon na inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Alam umano ni Purisima na suspendido siya pero ginagawa niya ang trabaho na ito.
“In short, Purisima was sending the unwritten yet visible message that he was, albeit he was not authorized to act and function as Chief PNP,” saad ng desisyon. “If Purisima had an iota of respect for the PNP Chain of Command, he should have informed, at the very least, of the details of the Plan Exodus during the turnover of his duties and functions to OIC-PNP Chief Espina.”
Guilty naman sa kasong administratibong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service na ang parusa ay pagsibak sa puwesto sina Purisima at Napenas pero hindi na maipatutupad dahil sibak na si Purisima noong Hunyo 2015 at nagretiro naman si Napenas noong Hulyo 2015.
Kaya pagmumultahin na lamang sila ng kasing halaga ng kanilang isang taong suweldo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending