KALOKA ang latest chika kay Manny Pacquiao.
Apparently, galit na galit ang isang unidentified guy kay Manny dahil muntik na niya itong sapakin.
As reported by Spin.Ph, isang website, pasakay na ang Pambansang Kamao sa kanyang Ferrari after having lunch sa isang Japanese restaurant noong Linggo sa Hollywood when a guy followed him at muntik na siyang sapakin habang nakatalikod. Mabuti na lang at alisto ang security ni Manny kaya hindi siya nasapak from the back.
The guy, according to Manny’s personal assistant David Sisson, was shouting “‘F@#* you, F@#* you. You homophobic”.
Manny seems unperturbed. Although he was to be attacked ay cool pa rin siya and made bilin niya sa kanyang security na huwag saktan ang guy. It has been months ago when Manny spewed his anti-gay rants where he said mas masahol pa sa hayop ang mga beki.
Ang daming bumatikos sa kanya dahil doon kahit pa nag-sorry na siya. Tinanggal ng Nike ang sponsorship niya. Then, may isang may-ari ng mall, ang The Grove, na pina-ban siya. Binanatan din siya ng Hollywood blogger na si Perez Hilton.