Luis hindi kayang sikmurain na dyowain si Alex Gonzaga

ALEX GONZAGA AT LUIS MANZANO

ALEX GONZAGA AT LUIS MANZANO

“POPROTEKTAHAN ko si Alex Gonzaga habang nabubuhay ako!” Ito ang pangako ni Luis Manzano sa kapatid ni Toni Gonzaga na itinuturing na niyang parang tunay na kapatid.

Sa nakaraang presscon ng bagong game show ni Luis sa ABS-CBN, ang Family Feud, sinabi ng binata na mahal na mahal niya si Alex pero hindi raw niya masisikmura na ligawan ang dalaga.

Wala raw siyang planong dyowain ang sister ni Toni kahit na super close pa sila. “Hindi talaga (kayang ligawan si Alex). Parang it’s very, very awkward especially na nanligaw ako kay Toni before,” anang binata.

“Kung sakali man, ano ang magiging feeling ni Tita Pinky, ni Tito Bonoy (mga magulang nina Alex and Toni), na parang iniisa-isa ko ang mga anak nila? Hindi ba parang ang pangit naman? Porke’t ba nag-fail ako doon sa isa, doon naman ako sa susunod?” paliwanag pa ng Family Feud host.

Pero may promise si Luis kay Alex, “I will protect her as my younger sister for the rest of my life.”
Natanong din ang anak ni Gov. Vilma Santos tungkol sa “kalmutan scandal” na kinasangkuta nila ni Alex na naganap sa loob ng isang gym.

“Eto na. Diyos ko, ‘yung Kalmot serye na yan. Nagwo-work out kami together. Ang ginagawa niya kasi ay ‘yung side plank.

“Galing akong muay thai, tinanggal ko ang t-shirt ko na pawis na pawis. Habang nakaganyan (side plank) siya, gusto ko sana ay isabit sa kamay niya (t-shirt), gusto kong gawing sampayan.

“Pero kasi lumampas or binaba niya ‘yung kamay niya, e pumasok sa bibig niya. So basically, nainom niya ang pawis ko. So sabi niya, ‘Kuya!’ Galit na galit sa akin, so hinahabol niya ako sa kili-kili niya.

Pagkahawak niya sa akin, pumipiglas ako dahil kili-kili niya. So pumipiglas ako, kaya nakalmot.

“So noong nakita ko ang mommy ko, the next night, sabi ko, ‘Mommy, ano ang message mo kay Alex?’ ‘Yun ‘yun,” paliwanag pa ni Luis.

Ngunit may mga netizens na sineryoso ang issue sa kanila ni Alex kaya may mga nam-bash na naman sa kanya, pati na rin kay Alex.

“Hindi ko maintindihan kung bakit may sumiseryosong tao, na bakit binabastos daw si Alex. Kahit ako, sabi sa akin ang laki-laki ng katawan mo, nag-MMA ka pero nagsusumbong ka sa mommy mo.

“Parang sabi ko, hindi niyo ba naiintindihan ‘yung kulitan namin? Ang humor namin ay pareho kaming OA na humor… ‘Yung dulong video pa nga ni mommy ay (sabi niya kay Alex) ‘I love you,'” hirit pa ni Luis.

Read more...