NAMUDMOD si Cebu City Mayor Michael Rama ng cash assistance sa mga opisyal ng barangay kahapon ng umaga sa kabila ng babala ng Commission on Elections (Comelec) na kumuha muna siya ng clearance mula sa poll body.
Nakatanggap ng P15,000 ang tinatayang 80 barangay chairman at P9,000 naman ang natanggap ng mga kagawad at sekretarya, samantalang P6,000 naman ang natanggap ng mga barangay treasurer.
Ginanap ang distribusyon sa grand ballroom sa Waterfront Hotel and Casino sa Barangay Lahug, Cebu City noong Martes.
Dumalo naman ang mga opisyal mula sa 34 barangay sa south district ng Cebu City at 15 mula sa north district para kunin ang kanilang cash aid.
Iginiit ni Rama na walang dahilan para kumuha ng exemption mula sa Comelec para sa paglalabas ng cash assistance.
“Should government stop? We have to think about practicality. This (cash aid) has been continuing for a long time,” sabi ni Rama.
“Officials of barangays Labangon, Talamban, Pamutan, Bulacao, Tisa, Pahina San Nicolas, Pit-os, Inayawan, Sambag 2 and Pasil, who failed to show up during the distribution, could still claim their cash assistance at the City Treasurer’s Office,” sabi naman ni Andy Borres, head ng Barangay Affairs Unit ng lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES