2 empleyado ng BPO patay matapos masagasaan ng bus sa Laguna

laguna
PATAY ang dalawang empleyado ng isang kompanya ng process outsourcing (BPO) nang masagasaan sila ng isang bus habang tumatawid sa isang kalsada sa Sta. Rosa City, Laguna kaninang umaga, ayon sa pulisya.

Sa ulat mula sa Laguna provincial police, sinabi nito na dead on the spot sina Gennin Navarro Landicho, isang residente ng Tanauan City, Batangas at John Patric Go, kapwa empleyado ng IBM Corp. sa pasilidad nito sa technology hub Nuvali sa Sta. Rosa, matapos silang sagasaan ng isang bus ng Jam Transit ganap na alas-5:30 ng umaga sa kahabaan ng Balibago-Tagaytay Road sa Barangay Sto. Domingo.

Sinabi ng imbestigador na si Police Officer 3 Romeo Contreras na katatapos lamang ng shift nina Landicho at Go nang mangyari ang aksidente.

Idinagdag ni Contreras na agad na tumakas ang driver matapos ang aksidente, bagamat sumuko rin sa pulis.

Hindi naman isinapubliko ang pangalan ng driver.

Read more...