‘Ang Probinsyano’ ni Coco tatagal pa hanggang 2017

By Reggee Bonoan April 06,2016
share this

‘Ang Probinsyano’ ni Coco tatagal pa hanggang 2017

By Reggee Bonoan April 06,2016
share this
SUSAN ROCES, COCO MARTIN AT BELA PADILLA

SUSAN ROCES, COCO MARTIN AT BELA PADILLA

“HI Ms. Reggee, ‘yun po kasi ang story talaga. Bela Padilla’s character Carmen has already been extended. Salamat po.” Ito ang sagot sa amin ng taga-Dreamscape Entertainment nang tanungin namin kung bakit pinatay na ang karakter ng aktres sa seryeng Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Maraming nagulat at nagtatakang televiewers kung bakit tsinugi na si Bela sa serye gayung itinuturing na rin siyang isa sa mga bida lalo’t hindi pa niya alam ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng asawa niyang si Ador, ang kakambal ni Cardo na parehong ginagampanan ni Coco Martin.

Si Tomas (Albert Martinez) ang bumaril kay Carmen dahil nabuking na niya kung anong klaseng negosyong mayroon ang pamilya ni Joaquin (Arjo Atayde).

Naisip din namin na hindi na magiging maganda ang kuwento kung bubuhayin pa rin si Carmen maski na marami na siyang nalalaman at siguro para magalit na nang husto si Joaquin sa kanyang ama dahil ang feeling siya rin ang papatay sa sarili niyang ama.

Anyway, mahaba pa ang kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil marami pang karakter ang papasok at balita namin tatagal pa ito hanggang 2017 dahil na rin patuloy na paghataw nito sa ratings game.

Sa episode naman ng serye noong Lunes ay puring-puri si Arjo sa ipinakita niyang pag-arte lalo nu’ng nagmamakaawa na siya sa kanyang ama na huwag patayin ang asawang si Carmen.

“Ang galing umiyak ni Arjo, grabe ramdam mo ‘yung pag-iyak niya at effortless,” sabi ng isang nakapanood ng nabanggit na episode.

Naisip din namin, ano nga ba ang pinaghuhugutan ni Arjo para lumalim ng ganu’n ang akting niya, wala naman siyang problema in terms of family, friends o career. Hmmm, baka kasi wala pa siyang lovelife?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending