GMA ibinandera ang 4 na kapuso stars na bibida sa bagong version ng Encantadia

glaiza de castro

IBINANDERA na ng Kapuso Network kanina sa 24 Oras ang magsisiganap sa mga pangunahing karakter sa bagong version ng classic fantaserye na Encantadia.

Si Glaiza de Castro ang napili ng mga bossing ng GMA 7 para gumanap sa karakter ni Sang’gre Pirena, ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy na ginampanan ni Sunshine Dizon sa origina version habang si Kylie Padilla naman ang magbibigay-buhay kay Sang’gre Amihan, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin na ginampanan noon ni Iza Calzado.
Samantala, ang Kapuso princess naman na si Gabbi Garcia ang napiling gumanap na Sang’gre Alena, ang tapag-ingat ng brilyante ng tubig na unang ginampanan ni Karylle habang ang baguhang youngstar na si Sanya Lopez ang bagong Sang’gre Danaya, ang katiwala ng brilyante ng lupa na ginampanan noon ni Diana Zubiri.
Si Ruru Madrid naman ang gaganap bilang si Ybarro/Ybrahim na unang ginampanan ni Dingdong Dantes at si Rocco Nacino ang magbibigay-buhay sa karakter ni Aquil, ang lider ng mga sundalo ng ng Lireo na ginampanan naman noon ni Alfred Vargas.
Magiging pangunahing kontrabida naman sa remake ng Encantadia si John Arcilla bilang si Hagorn, ang hari ng Hathoria na kalaban ng mga taga-Encantadia habang si Rochelle Pangilinan ang magiging kanang kamay niya bilang si Agane, na unang ginampanan ni Leila Kuzma.
Si Solenn Heussaff ang napili bilang si Cassiopeia na ginampanan noon ni Cindy Kurleto.
Nauna nang in-announce ng GMA ang pagganap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang si Ynang Reyna Mine-A, ang ina ng mga san’gre na ginampanan noon ni Dawn Zulueta.
Kung walang magiging problema, magakakaroon din daw ng special participation si Dingdong Dantes sa serye bilang si Raquim, na ginampanan ni Richard Gomez sa unang version ng Encantadia.

Read more...