NAPAHIYA raw si Erik Santos nang singhalan ito ng veteran actress na si Daisy Romualdez sa birthday party ng kaibigan nitong lady-lawyer sa Solaire Hotel last Saturday night. Naimbitahan kasi si Erik na dumalo at kumanta sa birthday ng isang common friend nila ni Ms. Daisy R. sa said hotel.
Nakilala ni Erik ang celebrator through Daisy dahil ilang beses na ring nakadalo ang singer sa mga event ng abogada hanggang sa maging close na rin sila. Parang naging anak-anakan na rin kumbaga nila si Erik. “Nandu’n din kasi sa party si Daisy kasama nina Tita Annabelle Rama and Tito Eddie Gutierrez.
Nu’ng dumating si Erik sa party ay tinext nito ang isang kaibigan niyang mayamang businesswoman na naglalaro sa casino para samahan siya sa party sa second floor. Sinundo siya ng said businesswoman na kaibigan nila ng lady-lawyer sa party area.
Agad na nagbigay-pugay naman si Erik kay Daisy and the rest of the guests na kakilala niya. Nang akmang aakyat na siya sa mini-stage para kumanta, bigla raw siyang tinalakan ni Daisy R, “Diyan ka na lang kay ____ (name ng rich businesswoman, we have to withhold her name kasi hindi naman siya taga-showbiz), diyan ka na lang. Sisiraan kita!”
“Naloka si Erik, siyempre napahiya siya dahil maraming nakarinig na bisita. Namutla si Erik sa kahihiyan. Kawawa naman. Tinext ni Erik si Daisy para tanungin kung ano ang nagawa niyang kasalanan, nagtatrabaho lang naman daw siya ng marangal at walang inaaway na tao.
“Imagine, sinabihan pa raw si Erik na mukhang pera. Kung tutuusin napakaraming beses na niyang ginamit si Erik sa kaniyang mga concerts, kung tawad-tawaran nga niya ang talent fee ni Erik ay ganoon na lang.
“Ang dating sa amin, feeling yata niya ay na-bypass siya ni Erik. Bakit? Kailangan bang ipaalam sa kaniya ni Erik kung saan siya pupunta everytime na may lakad ito? Hindi naman siya ang manager ni Erik, ‘no! Yes, nandoon na tayo, nakilala ni Erik ang celebrator through her pero natural lang na since magkakilala na ang dalawa, may pagkakataon that they invite each other pag may mga okasyon sila.
Anong problema roon? Just because dumalo si Erik sa party dahil invited din siya ay krimen na iyon?” kuwento ng isang source namin. Sayang nga at nakaalis na kami ng party nang mangyari ito. Kaibigan din kasi namin ang may birthday.
Isinama ko ang anak nating si Michael Pangilinan doon dahil parang anak-anakan na rin siya ng lawyer. Nandoon nga rin sina Tito Alfie Lorenzo, Ivy Violan, Aljur Abrenica and Alden Richards. Kasi nga, invited din sila. Nakaalis na kami sa venue nang mangyari ang talakan segment.
Nasira raw talaga ang gabi ni Erik – nagmamadali pa naman ito from his stint sa Marriott Hotel that night para makahabol lang sa birthday party, tapos ganu’n pa ang nangyari. Hay naku, ang buhay nga naman, oo. Sad lang.
Anyway, let’s wait na lang sa side ni Daisy R. tungkol sa isyung ito, baka nga naman may maganda siyang paliwanag about this.