‘Echorsis’ horror movie para sa mga beki

kean cipriano

Hinayang na hinayang ang aming editor dito sa BANDERA dahil hindi nakunan ng kasama namin si Chynna Ortaleza-Cipriano habang nagmamadaling lisanin ang Cinema 11 ng SM North Edsa kung saan ginanap ang advanced screening ng “Echorsis: Sabunutan Between Good And Evil” noong Linggo.

Isa ang asawa ni Chynna na si Kean Cipriano sa mga bida ng pelikula, “Naka-black dress siya tapos parang may nakapatong na jacket, malaki na ‘yung tummy niya kaya hindi na maitatago ang pagbubuntis niya,” kuwento sa amin.

Sa mga nakaraang interview namin kay Kean, talagang ayaw nitong magbigay ng detalye tungkol sa pagbubuntis ng kanyang asawa. Pero pagkatapos ng advanced screening ng “Echorsis” ay hindi na nakatanggi si Kean dahil inamin na niya ito.

“It’s a dream come true. It’s the best thing that ever happened to me,” sabi ng singer-actor. Dagdag pa nito, “Me and my wife, we talked about it that we just keep details to ourselves. I can’t really give out details. I respect the family’s decision, you know. It’s sacred that way.”

Anyway, co-investor si Kean sa “Echorsis” dahil isinosyo niya ang talent fee niya sa pelikula, sabi mismo ng producer nitong si Chris Cahilig. Say ni Kean, “Ilang months na rin nu’ng nagawa ‘yung pelikula. Hindi siya ‘yung type na gawa tapos release.

Naglaan talaga ng oras para sa post-production. It talks about equality and love and self-respect.”
Mukhang papatok ang “Echorsis: Sabunutan Between Good And Evil” na mapapanood na sa Abril 13 nationwide (distributed ng Quantum Films), dahil tiyak na ang suporta ng LGBT community.

Tungkol kasi ito sa isang klosetang beki na ginagampanan ni John “Sweet” Lapus. Funny ang “Echorsis” pero mukhang magkakaproblema ang papel ni Kean bilang paring bading dahil hindi naman ito tanggap sa Catholic Church. Hindi kaya mag-react ang mga pari sa pelikulang ito?

Panalo rin ang rating na PG-13 na ibinigay ng MTRCB dahil puwedeng-pwedeng manood ang mga bagets at estudyanteng bading. Kasama rin sa “Echorsis” si Alex Medina na ang galing-galing sa role niya bilang isang nanloloko ng mga bading para makaipon ng pera dahil gusto na niyang pakasalan ang kanyang mukhang perang girlfriend.

Ka-join din dito sina Alessandra de Rossi, Chokoleit, Kiray, Mich Liggayu, Nico Antonio at marami pang iba, sa direksiyon ni Lemuel Lorca.

Read more...