Cedric Lee naghain ng not guilty plea
Naghain ng not guilty plea si Cedric Lee kahapon ng basahan ng sakdal sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation sa Sandiganbayan Third Division.
Naglagak na ng piyansa si Lee bago siya nabasahan ng sakdal kaya balewala na ang warrant of arrest na ilalabas ng korte laban sa kanya. Nagkakahalaga ito ng P30,000 para sa graft at P40,000 para sa malversation.
Naghain ng motion to quash si Lee subalit ibinasura na ito ng korte. Dalawang beses na na-reset ang pagbasa ng sakdal sa kanya.
Nauna ng naghain ng not guilty plea ang kanyang kapwa akusado na si dating Marvels Mayor Angel Peligloriio ng Bataan.
Ang kaso ay kaugnay ng kontratang pinasok ng Izumo Contractors Inc., na pagmamaypari ni Lee at ng lokal na pamahalaan para sa pagtatayo ng palengke na nagkakahalaga ng P23 milyon.
Hindi umano dumaan sa tamang proseso ang pagpapalabas ng pondo na ibinayad sa Izumo.
Hindi natuloy ang pagtatayo ng palengke pero sinabi ni Lee na naibigay nila ang lahat ng pag-aaral para sa pagtatayo nito alinsunod sa Memorandum of Agreement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
