200 raliyista nagbarikida sa harapan ng NFA GenSan

NAGBARIKADA ang tinatayang 200 raliyista sa harap ng National Food (NFA) sa General Santos City Lunes ng umaga para hilingin sa gobyerno na tulungan ang mga magsasakang apektado ng tagtuyot.

Kinondena rin ng mga nagprotesta ang madugong dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan City noong Biyernes na ikinasawi ng tatlo katao at ikasugat ng ilang dosenang iba pa.

Sinabi ni Ryan Lariba, tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan-Socsksargen (South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, Generel Santos) na nagsimula ang barikada ganap na alas-10 ng umaga at mapayapang nagtapos makalipas ang isang oras.

“Anti-riot cops were deployed but negotiations were successful. We explained  that we are only here to demand the national government to release immediate  relief for the farmers who are affected by the El Niño,” sabi ni Lariba.

Sinabi ni Lariba na itinigil ng mga nagprotesta ang barikada para sumama sa isinasagawang kilos-protesta ng tinatayang 500 magsasaka mula sa South Cotabato na nagsasagawa ng rali sa regional office ng Department of Social Welfare and Development sa Koronadal City Lunes ng hapon.

“We would like to deliver a strong message that farmers and their families are already very hungry,” dagdag ni Lariba.

Sinabi ni Lariba na bagamat may mga tulong mula sa mga lokal na pamahalaan, hindi ito sapat at nararapat na magkaroon ng suporta mula sa pambansang gobyerno.

Read more...