Kulang sa bangis | Bandera

Kulang sa bangis

Barry Pascua - April 04, 2016 - 01:00 AM

KULANG pa rin talaga sa bangis ang Barangay Ginebra laban sa mga powerhouse teams. Ito ay nakita ng mga supporters ng pinakasikat na koponan sa bansa nang ang kanilang team ay pinulbos ng defending champion Tropang TNT, 117-92, noong Miyerkules.

Kung ipaghahambing ang dalawang koponang iyon ay masasabing kahit paano ay parehas kung hindi man nakakaangat ang Gin Kings.

Parang nahihirapan pa rin si coach Tim Cone na pigain ang kanyang mga bata. Kumbaga’y kapag empate ang labanan, malamang sa talo ang Gin Kings.

E kung ‘yun ngang angat na angat ang Gin Kings ay muntik pa rin silang masilat, hindi ba? Laban sa Phoenix Petroleun sa kanilang out-of-town game sa Panabo City dalawang Sabado na ang nakalilipas ay last second jumper lang ni LA Tenorio ang nagligtas sa kanila.

Aba’y lamang ng anim na puntos ang Fuel Masters sa huling dalawang minuto at tila mananalo na. Pero nabigo ang tropa ni coach Koy Banal na alagaan ang kanilang bentahe at nakabalik ang kanilang kalaban. Kung ibang team iyon ay marahil na natalo na ang Gin Kings!

Laban sa Tropang Texters ay tila wala sa huwisyo ang Gin Kings. Hindi sila makasabay.

Nalimita si Greg Slaughter dahil sa magandang depensa ng Tropang TNT. At nang wala nang makuha ang Gin Kings buhat sa kanilang main man ay wala na ngang nangyari sa kanila.

E kung hindi pa pumutok ang kanilang import na si Othyus Jeffers sa second half, baka natambakan sila nang husto.

Kailangan talaga ni Cone na palabasin ang gutom ng kanyang mga bata. Hindi sapat na sinusuportahan sila ng mga fans. Hindi naman natin sinasabing baka mawalan ng gana ang mga ito.

Pero siyempre, may hangganan din ang lahat.  Kung hindi nagkakampeon ang isang team, baka  magsawa ang mga supporters. Kasi nga, parang hindi na never-say-die team ang Barangay Ginebra. Parang dead palagi, e.

Kailan nga ba huling nagkampeon ang Gin Kings? Matagal na. Hindi ko na nga maalala, e. Kailangan pang tumingin sa souvenir program ng PBA para malaman kung kailan.

Sa pagkatalo sa Tropang TNT ay bumagsak ang Gin Kings sa 5-4 at may dalawang games pa silang natitira. Sa ngayon ay puwede pa sigurong makapanhik sila sa top two para sa twice-to-beat advantage.

Pero parang suntok sa buwan na iyon.

Mas okay na target ang ikatlo hanggang ikaanim na puwesto para sa best-of-three ang laban sa quarterfinals. Pero kapag bumagsak ang isang koponan sa ikapito o ikawalong puwesto, medyo mahirap.

Kasi kailangang talunin nila ang kalaban ng dalawang beses sa quarterfinals. Madugo iyon!

Iyon ang iiwasan ng Gin Kings. Kaya kailangang maipanalo nila ang huling dalawang laro upang makaiwas sa peligro.

Ang siste’y puwede rin silang malaglag nang tuluyan kung matatalo sila sa huling dalawang games. Kasi, puwede pa silang mahulog sa ikasiyam hanggang ika-12 puwesto kung saan matsu-tsigi sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iyon ang masaklap! Huwag naman sana!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending