TULAD ng promise ko kahapon, let’s talk about Kris Aquino again, tungkol ito sa pagiging extreme ng kanyang personality.
Sabi nga namin, kapag nasa mood siya, sobrang bait, pero kapag napag-usapan ang kataklesahan, sobra-sobra rin na hindi na nakakatuwang pakinggan.
Nu’ng kabataan pa ni Kris, during the time when her dad was shot and killed, cute na cute kaming lahat watching this young Kris Aquino speak in front of thousands of Pinoys.
She speaks so well at a very young age – maliban sa kuha nila ang public sympathy from the whole country that time, her innocence, intelligence and pretty face added to her charm kaya minahal siya ng taumbayan.
Kaya when she showed interest na mag-artista, lahat excited na mapanood siya. Kasi nga, cute na cute ang lahat sa kanya.
Plus the fact that the country needed a change in governance, 100% siyang minahal ng mga tao. In short, sumikat si Kris Aquino – mula sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde hanggang sa massacre films na ginawa niya sa ilalim ng pamamahala ng mega-couple na sina Donna Villa and direk Carlo J. Caparas hanggang sa 18 years na pangangalaga sa kanya ng ABS-CBN, no question na si Kris na nga ang isa sa pinaka-important stars ng bansa.
Kesehodang ham actress siya for the longest time, she holds on to the throne bilang isa sa pinakasikat.
Her hosting skill was honed through the years – she’s very good at it.
Kaya nga siya naging Queen of All Media dahil sa husay niyang maging TV host.
Matalino, magaling magsalita and mahusay sa research.
And super-bankable niya sa mga projects niya – natural!
Maging anak ka ba ng dating pangulo ng bansa at ngayon naman, kapatid ng presidente, walang choice kundi ang maging bankable siya.
Pag hindi siya sinuportahan ng mga kaalyado ng kuya niya, patay sila.
Ha-hahaha! Kaya kita n’yo naman, lahat ng pelikula niya ay kaya niyang iangat sa box-office – hitsura ng mga manghuhula sa kanya.
Kris can claim whatever she wishes na maging puwetso ng movies niya sa MMFF.
If she wants her project to be number one, kaya niyang gawin ‘yan.
Pag gusto naman niyang magpaka-underdog, she’ll just exert half the effort lang.
That’s how people perceive her. She knows what she wants, she gets what she wants – she’s very powerful and influential.
Kaya nga extremes siya eh, it’s either you like her or you hate her. Nothing in between.
Anyway, being frank is a talent – an advantage to many.
Pero meron din disadvantage ito pag overused, pag OA na ang pagka-honest.
There are times na cute ang pagiging sobrang honest ni Kris.
Nakakatuwa minsan dahil marami kang matututunan sa kaprangkahan at talino niya.
Pero minsan ay parang may halong yabang na ang takbo ng pananalita kahit sabihin pa nating totoo naman ang mga ito.
Tulad lately, when some of our press friends asked her about her lovelife, kung bakit wala pa siyang boyfriend.
Sagot ni Kris, gustuhin man niyang magka-boyfriend para magkaroon ng father image ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, mukhang malabo na rin kasi nga, pag successful businessman daw ang i-entertain niya, sasabihin ng mga tao na baka gusto lang magpapirma ng mga kontrata (dahil presidente nga ang kuya Noy niya) at kung pulitiko naman daw ang manliligaw sa kanya, baka gusto lang maging number one.
Nakakaloka ang sagot niya, di ba?
Puwede ngang ganoon, maaaring totoo nga ang sinabi niya pero ang sagwang pakinggan.
Nakakakilabot dahil parang pumasok na sa ulo niya ang sobrang kasikatan.
Nandoon na tayo na mahirap talagang makakuha ng boyfriend si Kris dala ng kanyang status at kayamanan pero hindi na kailangang ipangalandakang kaya lang siya gusto ng isang pulitiko halimbawa dahil gustong maging number one.
Humility is still a very important virtue – sacred ito sa bawat isa sa atin.
You don’t rub it sa iba dahil ang sagwang pakinggan.
Nakakahiya naman sa kanya, na halimbawa’y may isang pulitikong interesadong ligawan siya, naisip niya kaagad na gagamitin lang siya.
Gusto lang daw maging number one sa survey kaya gustong ikabit ang pangalan sa kanya.
Baka akala ni Kris ay sobrang mahal siya ng buong bayan.
My gosh! Kung gaano sa tingin niya ang dami ng nag-iidolo sa kanya ay siya rin yata ang dami ng ayaw sa kanya.
Hati iyan, mga kafatid. Sana hindi na lang niya ibinabandera.
That’s some kind of kayabangan.
I hope doesn’t take this point so bad of me, just like her, may karapatan din tayong mamuna, di ba?
Nagpapaalala lang tayo sa kanya na masarap maging humble kahit nasa rurok ka ng tagumpay.
Hindi mo dapat ito pinapasok sa sistema mo dahil ikasasama mo ito.
Being magnanimous is best.
Hindi mo kailangang ipagyabang kung sino ka at kung gaano ka ka-influential sa mundo.
Life is very temporary and hindi habambuhay ay nasa itaas tayo, there’s no way but down when you’re already up there.
And there’s no question that Kris is really on top and hanggang 2016 she will always be on top.
Walang puwedeng kumontra riyan dahil hanggang 2016 pa pangulo ang kapatid niya.
After that is a different story I suppose. Iyon lang po.
Nakakaloka lang kasi ang sobrang kaprangkahan niya na wala na sa lugar minsan.
Baka hindi naman siya aware actually dahil kasama na ito sa sistema niya, akala niya cute pa rin, akala niya puwedeng ganoon palagi.
Mali iyon. sa pananaw namin ay mali ito kaya dapat malaman ni Kris.
Baka makatulong para maging mas humble siya.
I hope that she doesn’t take this against us.
Pero kung ikagagalit niya ito, wala tayong magagawa, di ba?