Happy ending (2) | Bandera

Happy ending (2)

Joseph Greenfield - April 04, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lyka ng Telegrafo, Tolosa, Leyte Problema: 1. Magdadalawang taon n asana ang relasyon naming ng boyfriend ko sa darating na may 14 ang malungkot ay bigla pa kaming nagkahiwalay. Wala namang third party involve, sa halip nag-abroad siya sa Korea bilang factory worker. Ayaw ko sana siyang payagan, pero sabi nya para daw yon sa kinabukasan namin. Ang problema mahigit isang buwan na siya sa Korea, hindi pa rin nya ako kino-contact kaya labis na akong nag-aalala sa kanya. Itatanong ko lang po kung magkakabalikan pa kaya kami at ko-contackin pa kaya nya ako? 2. Nag-inquire na ako sa agency nila ayaw namang ibigay sa akin ang complete address nya sa Korea. Sana matulungan nyo ako na sana ay muli kaming magkaroon ng communication para mapagusapan naming ang problema. Sa palagay nyo sa bandang huli magiging kami pa rin kaya at siya na kaya ang lalaking makakatuluyan ko at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya? April 7, 1990 ang birthday ko at August 10, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko. Umaasa, Lyka Tolosa, Leyte Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nagsasabing basta’t patuloy ka lang nagpakatatag, sa bandang huli magiging happy ending din ang lahat, higit lalo’t ka-compatible naman ng zopdiac sign mong Aries ang zodiac sign na Leo ng boyfriend mo. Numerology: Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ka-tugma mo rin ang birth date na 10 ng boyfriend mo, na ibig sabihin lang anot-anuman ang mangyari sa inyong relasyon sa bandang huli, walang duda kayo pa rin ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya. Huling payo at paalala: Lyka ayon sa iyong kapalaran, ang nangyayari sa ngayon sa inyong relasyon ng boyfriend mong nasa Korea ay isang pagsubok lamang sa inyong samahan. Ang lahat ng problema ay ganap ding mapapwi at mapaparam sa buwan ng Mayo, kung saan, sa nasabing panahon muli kayong magkakaroon ng kumuniskasyon, hanggang sa tuloy-tuloy na uling magmahalan, at sa kanyang pagbabalik, tulad ng inaasahan, sa 2017 ihahanda na ninyo ang isang masaya at magarbong kasalan na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending