Independent probe sa Kidapawan dispersal
Nais ng isang militanteng kongresista na isang independent body ang buuhin upang mag-imbestiga at matiyak na walang cover up na mangyayari sa madugong pagbuwag sa mga nag-rally sa Kidapawan.
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na mistulang insulto sa mga magsasaka ang pagbibigay ng medalya sa mga pulis na sangkot sa kaguluhan.
“The hasty awarding of merit medals to these policemen involved in the carnage is beyond insult; it incites outrage! We have such a callous government now that it immediately rewards such brazen violation of human rights,” ani Zarate.
Ayon kay Zarate hindi makatwiran ang pagbibigay ng karangalan sa mga pulis na ginagamit para sikilin ang karapatan ng mga magsasaka na humihingi ng tulong sa gobyerno.
“Hindi pa naililibing ang mga pinatay nila; hindi pa nakakalabas ng ospital ang mga sugatan; hindi pa pinalaya ang mga hinuli nila, sinasabitan na ng medalya ang mga pulis na ito. This is outrageous as it is also shameless giving of premium to brutal violation of human rights by the Aquino Administration,” dagdag pa ng solon.
Sinabi ni Zarate na iligal ang ginawang pagdadala ng mga pulis sa isang rally at ang paghalughog sa simbahan kung saan nagtungo ang mga magsasaka.
“A grand whitewashing of the incident is now being put in place. We cannot trust an investigation conducted by the perpetrators themselves. We demand and joint the call for the creation of an independent, transparent, fact-finding body to look into this despicable Kidapawan April Fools Carnage.”
Dapat din umanong suspendihin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na sangkot sa madugong pagbuwag upang hindi nila maimpluwensyahan ang isasagawang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
