Sulat mula kay Lyka ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Magdadalawang taon na sana ang relasyon naming ng boyfriend ko sa darating na may 14 ang malungkot ay bigla pa kaming nagkahiwalay. Wala namang third party involve, sa halip nag-abroad siya sa Korea bilang factory worker. Ayaw ko sana siyang payagan, pero sabi nya para daw yon sa kinabukasan namin. Ang problema mahigit isang buwan na siya sa Korea, hindi pa rin nya ako kino-contact kaya labis na akong nag-aalala sa kanya. Itatanong ko lang po kung magkakabalikan pa kaya kami at ko-contackin pa kaya nya ako? Nag-inquire na ako sa agency nila ayaw namang ibigay sa akin ang complete address nya sa Korea. Sana matulungan nyo ako na sana ay muli kaming magkaroon ng communication para mapagusapan naming ang problema. Sa palagay nyo sa bandang huli magiging kami pa rin kaya at siya na kaya ang lalaking makakatuluyan ko at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya? April 7, 1990 ang birthday ko at August 10, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko. Umaasa,
Lyka Tolosa, Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing maaganda at maayos naman ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, anomang pagsubok ang pinagdadaanan nyo sa kasalukuyan ng boyfriend mo, umasa kang tulad sa isang telenobela, magiging happy ending pa rin ang lahat.
Cartomancy:
Queen of Herats, King of Clubs at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa ikapitong buwan ng taong ito ng 2016, magkakaroon na uli kayo ng kumunikasyon, upang pagsapit ng 2017, magpapadala siya ng malaking halaga ng salapi, ipapatago nya ito sa iyo upang paglaanan ang future para sa inyong pagpapakasal.
Itutuloy….