Good day sa lahat ng staff ng Aksyon Line. Ako po ay dating empleyado subalit dahil sa hindi inaasahang kadahilanan ay nagsara po ang aming kumpanya. Nais ko po sanang itanong sa SSS kung ako po ba ay entitled na mag salary loan?
Kung pwede na po, paano po ba iyon? Wala pa po akong bagong employer sa ngayon? Saan po ako mag-aaplay ng salary loan? Kung hindi pa po ako entitled, ano po ang dapat kong ga-win para maipagpatuloy ko ang aking paghuhulog sa SSS gayong wala pa po akong employer at wala din naman po akong business? Sana po ay matulungan ninyo ako.
Maraming salamat po.
Khamille Faye Dayang
REPLY: Good afternoon.
Ito po ay tungkol sa salary loan na inaalam ni Bb. Khamille, nais naming ipabatid sa kanya na wala po siyang contribution. As in zero po ito.
Dahil dito ay hindi po siya qualified na makapag-salary loan.
Posible po kayang siya ay self-employed at maaaring siya ang owner and then yung hinlugan niya lang ay ang kanyang mga empleyado. Kaya dapat ay nag-file siya ng SSS form RS-1 as self -employed.
Sa pamamagitan nito ay maaari na siyang maghulog ng contributions.
Ms Beth Suralvo
Senior Officer , Media
Affairs Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.