ER kakalas na rin kay Binay? susunod kay Erap?

er ejercito
Iiwanan na ba ni dating Laguna Gov. Emilio Ramon ‘ER’ Ejercito si Vice President Jejomar Binay matapos iendorso ng kanyang tiyuhin na si Manila Mayor Joseph Estrada si Sen. Grace Poe?
Kahapon ay nangampanya si Poe sa Laguna at tinungo ang bayan ng Pagsanjan kung saan mayor ang misis ni Ejercito na si Maita.
Nakipagpulong si Poe sa mag-asawa subalit walang kumpirmasyon kung lilipat na sila kay Poe.
“Laguna kasi ito, tapos matagal na namin silang (mag-asawang Ejercito) kakila, pero wala naman silang sinasabing mag-e-endorso sila o magsu-suporta. Maaari tayong mag-courtesy call, ‘yun naman ang ginagawa natin, kahit na hindi natin kaalyado. Pero siguro ‘yung mga pag-endorso sila na lang ang tanungin tungkol diyan,” ani Poe.
Ang mister ni Poe na si Neil Llamanzares ay taga-Laguna.
Noong 2004 elections, nanalo ang ama ni Poe na si Fernando Poe Jr., sa Laguna laban sa nanalong si Pangulong Gloria Arroyo.
“Na-set up ito (meeting) para doon sa mga kamag-anak ng asawa ko. Pero habang nandito na rin, siyempre, mas may oras kami ngayon. Maaaring mapadaan (sa Pagsanjan) pero, alam mo naman, iba din ang partido nila (Ejercito couple) eh,” ani Poe.
Ang mag-asawa ay miyembro ng United Nationalist Alliance na pinamumunuan ni Binay.
Kamakailan ay inendorso ni Estrada si Poe na kanyang inaanak.

Read more...