1 patay, marami pa sugatan matapos magsagupa ang mga pulis at mga magsasaka sa Kidapawan

kidapawan
ISA ang patay, samantalang marami ang nasugatan matapos magkasagupa ang mga otoridad at ang mga nagpoprotesta sa Kidapawan City, North Cotabato, kaninang umaga, ayon sa pulisya.

Kinumpirma ng isang source mula North Cotabato provincial police na may nasawi nga sa madugong protesta.

Sinabi naman ni Superintendent Bernard Tayong, provincial police spokesman na ang kaya lamang niyang makumpirma sa ngayon ay marami ang nasugatan dahil sa pangyayari.

“There were people injured on both sides (police and protesters),” sabi ni Tayong sa isang text message.

Kabilang sa mga nasugatan ay si Kidapawan police chief Supt. Meridel Kalinga, na tinamaan ng mga bato sa kanyang mga paa.

Idinagdag ni Tayong na nangyari ang sagupaan ganap na alas-10:30 ng umaga nang tinangka ng pulis na
paalisin ang mga nagpoprotesta sa bahagi ng National Highway.

“We didn’t disperse them. We performed police function to clear the highway bcause they are obstructing the flow of traffic, they assembled illegally, and they used minors. They were given time to vacate or face charges, but they resisted and assaulted the police with stones and other weapons,” sabi ni Tayong.

Idinagdag ni Tayong na nadaanan ang highway, na nagkokonekta sa Cotobato at Davao ganap na las-12:30 ng hapon.

Sinimulan ng tinatayang 4,000 mga nagpoprotesta mula sa mga maka-kaliwa at iba pang ang grupo ang kanilang pagkilos sa kahabaan ng highway ganap na alas-5 ng umaga noong Miyerkules, ayon sa ulat ng Central Mindanao regional police.

“Medyo alarming. They threatened to ransack NFA Kidapawan. They occupied the national highway. We implemented a re-routing scheme,” sabi ng source.

Read more...