Nanatiling dikdikan ang laban sa pagkabise presidente, ayon sa survey ng ABS-CBN2 na isinagawa ng Pulse Asia noong Marso 15-20.
Tabla sina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Francis Escudero na kapwa nakakuha ng 25 porsyento.
Sa survey noong Marso 8-13, si Marcos ay nakakuha ng 25 porsyento at si Escudero ay 24 puntos.
Si Marcos ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa National Capital Region na naitala sa 41 porsyento at sa iba pang bahagi ng Luzon na 32 puntos. Si Escudero ay 23 porsyento sa NCR at 29 puntos sa iba pang bahagi ng Luzon.
Pumangatlo naman si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakakuha ng 21 porsyento. Siya ang may pinakamataas na nakuha sa Visayas na naitala sa 34 porsyento.
Si Sen. Alan Peter Cayetano naman ay pang-apat at may 14 porsyento. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa Mindanao na may 28 porsyento.
Limang porsyento naman ang nakuha ni Sen. Gringo Honasan at apat na porsyento si Sen. Antonio Trillanes.
Ang survey ay may error of margin na 1.5 porsyento at kinuha ang 4,000 respondents.
Samantala, nangunguna pa rin si Sen. Tito Sotto sa listahan ng mga senatorial candidates. Siya ay nakapagtala ng 53.6 porsyento.
Sumunod naman sina Senate President Franklin Drilon (51 porsyento), dating Sen. Kiko Pangilinan (47.6), dating Sen. Panfilo Lacson (45.2), dating Sen. Juan Miguel Zubiri (40), dating Sen. Dick Gordon (36), Sarangani Rep. Manny Pacquiao (35.7) dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (34.3), Sen. Serge Osmena (34.2), dating TESDA chief Joel Villanueva (34), dating Justice Sec. Leila de Lima (33.8) at pang-12 si Sen. Ralph Recto (32.8).
Sumunod sa kanila sina Valenzuela Rep. Win Gatchalian (28.3), Sen. TG Guingona (26.1), Manila Vice Mayor Isko Moreno Domogoso (22.4), dating MMDA chair Francis Tolentino (22.3), Leyte Rep. Martin Romualdez (21), Mark Lapid (18.2), Edu Manzano (16.3) at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares (11.4).
VP race dikdikan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...